Ito yung mga oras na parang lahat ng bagay narerealize mo.
Lahat ng bagay na ginawa mo, naiisip mo. Lahat ng bagay na noon para sayo e tama, ngayong oras na to naiisip mong mali pala yung mga yun. Mga bagay na dapat pala matagal mo nang sinabi. Mga bagay na sana pala…. nagawa mo na bago mahuli ang lahat.
Siguro kung laging madaling-araw, walang pagsisisi, nagsisisi, nasisisi at nanininisi.

Madaling maghinala pero mahirap magpatunay.

Sana matuto tayong aminin at tanggapin na may kasalanan din tayo. Sana lang naman.

#rants  

Naiinis ako.

Naiinis ako kasi ‘di kita kayang tiisin.

Di kita kayang hindi pansinin. Di kita kayang hindi tignan. Di kita kayang hindi alalahanin.

Nakakainis kasi pinipilit ko ang sarili ko na ikaw naman ang lumapit sakin, ikaw naman ang maghabol sa akin. Na ikaw naman ang mahirapan para makuha ang pansin ko. Pero hindi eh.

Naiinis ako. Naiinis ako. Naiinis ako.

#rants  

Malungkot ka? Ginusto mo yan.

Miserable ang buhay mo? Ginusto mo yan.

Umiiyak ka? Ginusto mo pa rin yan.

Afterall, happiness is a matter of choice. Nandyan lahat ng factors na pwedeng magpasaya sa’yo pero mas pinili mong mai-down ang sarili mo.

Tumataba ka? Bakit kasi kain ka ng kain? Maraming ways ng healty diet diba? Pero di mo pinili ‘yon.

Bumagsak ka? Baka naman kasi di ka nag-aaral ng mabuti? Pwede ka namang pumasa kung pagiigihan mo ang pag-aaral mo. Pero di mo ginawa.

Iniwan ka niya? Bakit hinayaan mo? Pwede mo namang ipaglaban. Pero di mo ginawa.

Nasasaktan ka? Bakit nga ba? Kasi di mo makalimutan? Kasi di ka mahal? Pwede mo namang ibaling sa iba yang pagmamahal mo kesa nasasayang lang. Pero di mo ginawa.

Ngayon, kung may pinagdadaanan ka. Ginusto mo yan.

Pwede kang maging masaya, pwede kang palaging nakangiti, pwede kang palaging tumatawa. Pwede kang magpapayat, pwede kang mag-aral ng mabuti, pwede kang makipaglaban para sa mahal mo, pwede kang magmove on at ipagpatuloy ang buhay mo.

Pero di mo pinili ang mga ‘yon. Kasi……. ginusto mo yan.

(via tinatamadakomagisip)

Sana pwedeng ibalik yung dati. Bago pa naging kumplikado ang lahat.

Sana may rewind o replay button ang buhay. Pero na-realize ko lang. Kung meron mang ganun, wala rin namang magbabago, diba? Mauulit lang pero yun at yun pa rin ang magiging flow ng story sa dulo. Magulo pa rin, kumplikado.

Siguro mas magandang hilingin na sana matanggap ko na lang lahat ng nangyayari. Kasi ako at ako rin ang may dahilan kung pa’no nangyari ‘to eh. Kung pa’no naging kumplikado’t magulo.

Oh baka dapat itulog ko na lang ‘to.

Ang drama masyado.

Shit pre! ‘Yan ang prinsesa ko!

Para sakin, wala ng mas susweet pa sa lalaking kayang-kaya kang ipagmalaki sa barkada niya.

Yung heto ka, kunwari, nagpe-perform, kumakanta, sumasayaw, may ginagawa o kahit simpleng naka-prente ka lang sa upuan o di kaya nakatayo… Tapos andyan siya sa kabila, kasama yung barkada niya. Nakikipagkwentuhan. Sandaling titigil sa pakikipagdaldalan. Biglang iiling. Ngingiti. Sabay, “Shit pre! ‘Yan ang prinsesa ko!” o di kaya “Ang ganda talaga ng girlfriend ko.”

:)

#boys  #:)  

(via shunyown)

Yung ibang tao, hihilingin nilang makuha mo yung mga bagay na gusto mong makuha. Pero pag nakuha mo na, magagalit sila.